Thursday, July 17, 2008

Ones is enough, twice is too much..

Totoo nga ba itong pahayag na ito? Sabi sa bibliya, “kung mayroon sayong nagkasala ng pitong beses, patawarin mo siya ng pitumpu’t pitong beses.” Mukbang mahirap nga namang pagkatiwalaan ang taong gumawa ng kasalanan na sobra-sobrang nagbigay sa iyo ng sugat sa iyong puso at sa iyong pagkatao. Ika nga “once is enough, twice is too much!” Sobra na kung uulitin mo pa ng ikalawang beses. Aba abuso na yun.

Pero, bakit ba nangyayari ang ganitong mga bagay? Bakit niya kailangan pang gawin muli ang pagkakamali na kaniyang nagawa sa una pa lang? Isa sa kadahilanan ay may mga bagay na pilit gumugulo sa kaniyang pag-iisip, o sadyang hinde niya pa natutunan sa unang pagkakamali kaya niya naulit ang bagay na iyon.

Nararapat pa bang patawarin ang mga taong nakasakit sa iyo ng lubusan? Tanging ang panahon na lang ang makakapagsabi kung ikaw ay nararapat pang patawarin. Lahat ng bagay ay may hangganan, ang sama ng loob sa isang tao ay mayroong katapusan. Bawat tao ay marunong magpatawad, pero kailangan lang nating hintayin ang tamang panahon na handa na tayong harapin ang taong nakasakit sa atin ng lubusan.

Mahirap masaktan, kaya mahirap din magpatawad ng basta-basta na lang. Dumadaan ang lahat ng ito sa isang proseso na tanging ang Diyos lang ang makakapagsabi. “ Once is enough, twice is too much! Pero kung ang pagmamahal ang nanaig sa iyo, Kahit ilang beses kang saktan, patuloy mo siyang patatawarin at patuloy mo siyang mamahalin. Tanging ang Diyos ang makakapagsabi sa atin kung siya ay dapat ng patayin o hinde pa, huwag mo siyang pangunahan..hehe.

BAKIT BA TAYO UMIIYAK?

Bakit ba tayo umiiyak? Maraming posibleng dahilan ng pag-iyak ng isang tao. Maraming mga bagay ang hinde natin maipaliwanag kung bakit tayo ay patuloy na umiiyak at hinde natin mapigil ang mga pagluha ng ating mga mata. Pero, san ba nanggaling ang ating mga luha? Ito ba ay nagmula sa tubig na ating iniinom? O sadyang ang emosyon ang nagsisilbing imbakan ng ating mga luha.

Ano ba talaga ang mga kahulugan ng bawat luhang lumalabas sa ating mga mata? Sadya bang may kabuluhan ang pagpatak nito?

Ang luha ay mahalaga, maraming taong nagiging tanyag dahil sa kanilang mga luhang inilalabas, dahil ito ay kanilang nagagamit sa kanilang pag-arte. Ito din ang kanilang nagiging puhunan upang sila ay magkaroon ng sapat na pamumuhay na naayon sa kanilang kagustuhan. Ito ang siyang nagpapahiwatig ng maraming simbolo ng ating pagkatao.

Sa totoo lang, masyadong makahulugan ang mga bawat luha na pumapatak sa ating mga mata, sapagkat ang bawat patak ng mga ito ay isang bagay na nagpapatag din sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Ilan sa mga ito ang ibig sabihin ng pagluha. Ito ay isang simbolo ng labis na kagalakan, kalungkutan, o mga kaganapan na bigla na lang nawala. Kadalasan ang isa sa mga dahilan nito ay ang mga kaganapan na tayo ay nawalan ng isang minamahal sa buhay. Mahirap tanggapin ang pangyayaring hinde natin agad malilimutan pero marahil tanging ang panahon na lang ang makapagsasabi kung ikaw ba ay mahihilom sa mga sugat na iyong iniyakan.

Pero, bakit hinde natin mapigil ang luha sa pagtulo nito? Marahil, ang labis na pagpatak ng luha ay may kaugnayan sa ating emosyon. Kung minsan, akala natin tayo ay sadyang naiiyak ng walang dahilan, pero ang hinde natin naiisip na ang emosyon ang pinagmumulan nito kung kaya’t nagkakaroon ng labis na sugat sa ating puso.

Ngunit, ang pinakamasakit sa lahat ng mga dahilan ng pagluha , ay kapag ito ay kinaugnayan na ng pagmamahal. Maraming mga kwento, mga pahayag at mga opinion kapag pagmamahal na ang pinag-uusapan. Maraming misteryo sa pag-ibig, kaakibat nito ang ikaw ay masasaktan, mawalan tiwala at higit sa lahat ang ikaw ay mawalan ng minamahal.

Maraming luha ang nasasayang sa mga Kadahilanan na ito, Mahirap tanggapin na minsan sa buhay natin na tayo ay nagsayang ng mga luha. Ngunit, sa bawat luha na ating inilabas, ang kapalit nito ay kaligayahan sa ating hinaharap.

Ang luha ay napakasgrado, lalo na kung ang taong ito ay isa sa pinaka-espesyal sa buhay mo. Mahirap tanggapin, pero ang luha ang isang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob sa atin upang tayo ay muling bumangon sa ating pagkakadapa at harapin ang bawat sakit na ating natatamasa. Panahon lang talaga ang makapagsasabi kung ikaw ba ay tapos na sa pagluha at mga sakit na iyong mararanasan.

Thursday, July 3, 2008

UTAK ba o PUSO??

Ano ba talaga sa dalawa ang dapat na ginagamit para magmahal??
Ang hirap pag dumating sa iyo ang isang sitwasyon na kung saan ay kailangan mong mamili kong sino ba talaga at ano ba ang dapat na gamitin para ikaw ay magmahal.

Sa tingin mo ano ba talaga dapat???