Thursday, July 17, 2008

BAKIT BA TAYO UMIIYAK?

Bakit ba tayo umiiyak? Maraming posibleng dahilan ng pag-iyak ng isang tao. Maraming mga bagay ang hinde natin maipaliwanag kung bakit tayo ay patuloy na umiiyak at hinde natin mapigil ang mga pagluha ng ating mga mata. Pero, san ba nanggaling ang ating mga luha? Ito ba ay nagmula sa tubig na ating iniinom? O sadyang ang emosyon ang nagsisilbing imbakan ng ating mga luha.

Ano ba talaga ang mga kahulugan ng bawat luhang lumalabas sa ating mga mata? Sadya bang may kabuluhan ang pagpatak nito?

Ang luha ay mahalaga, maraming taong nagiging tanyag dahil sa kanilang mga luhang inilalabas, dahil ito ay kanilang nagagamit sa kanilang pag-arte. Ito din ang kanilang nagiging puhunan upang sila ay magkaroon ng sapat na pamumuhay na naayon sa kanilang kagustuhan. Ito ang siyang nagpapahiwatig ng maraming simbolo ng ating pagkatao.

Sa totoo lang, masyadong makahulugan ang mga bawat luha na pumapatak sa ating mga mata, sapagkat ang bawat patak ng mga ito ay isang bagay na nagpapatag din sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Ilan sa mga ito ang ibig sabihin ng pagluha. Ito ay isang simbolo ng labis na kagalakan, kalungkutan, o mga kaganapan na bigla na lang nawala. Kadalasan ang isa sa mga dahilan nito ay ang mga kaganapan na tayo ay nawalan ng isang minamahal sa buhay. Mahirap tanggapin ang pangyayaring hinde natin agad malilimutan pero marahil tanging ang panahon na lang ang makapagsasabi kung ikaw ba ay mahihilom sa mga sugat na iyong iniyakan.

Pero, bakit hinde natin mapigil ang luha sa pagtulo nito? Marahil, ang labis na pagpatak ng luha ay may kaugnayan sa ating emosyon. Kung minsan, akala natin tayo ay sadyang naiiyak ng walang dahilan, pero ang hinde natin naiisip na ang emosyon ang pinagmumulan nito kung kaya’t nagkakaroon ng labis na sugat sa ating puso.

Ngunit, ang pinakamasakit sa lahat ng mga dahilan ng pagluha , ay kapag ito ay kinaugnayan na ng pagmamahal. Maraming mga kwento, mga pahayag at mga opinion kapag pagmamahal na ang pinag-uusapan. Maraming misteryo sa pag-ibig, kaakibat nito ang ikaw ay masasaktan, mawalan tiwala at higit sa lahat ang ikaw ay mawalan ng minamahal.

Maraming luha ang nasasayang sa mga Kadahilanan na ito, Mahirap tanggapin na minsan sa buhay natin na tayo ay nagsayang ng mga luha. Ngunit, sa bawat luha na ating inilabas, ang kapalit nito ay kaligayahan sa ating hinaharap.

Ang luha ay napakasgrado, lalo na kung ang taong ito ay isa sa pinaka-espesyal sa buhay mo. Mahirap tanggapin, pero ang luha ang isang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob sa atin upang tayo ay muling bumangon sa ating pagkakadapa at harapin ang bawat sakit na ating natatamasa. Panahon lang talaga ang makapagsasabi kung ikaw ba ay tapos na sa pagluha at mga sakit na iyong mararanasan.

No comments: