Thursday, July 17, 2008

Ones is enough, twice is too much..

Totoo nga ba itong pahayag na ito? Sabi sa bibliya, “kung mayroon sayong nagkasala ng pitong beses, patawarin mo siya ng pitumpu’t pitong beses.” Mukbang mahirap nga namang pagkatiwalaan ang taong gumawa ng kasalanan na sobra-sobrang nagbigay sa iyo ng sugat sa iyong puso at sa iyong pagkatao. Ika nga “once is enough, twice is too much!” Sobra na kung uulitin mo pa ng ikalawang beses. Aba abuso na yun.

Pero, bakit ba nangyayari ang ganitong mga bagay? Bakit niya kailangan pang gawin muli ang pagkakamali na kaniyang nagawa sa una pa lang? Isa sa kadahilanan ay may mga bagay na pilit gumugulo sa kaniyang pag-iisip, o sadyang hinde niya pa natutunan sa unang pagkakamali kaya niya naulit ang bagay na iyon.

Nararapat pa bang patawarin ang mga taong nakasakit sa iyo ng lubusan? Tanging ang panahon na lang ang makakapagsabi kung ikaw ay nararapat pang patawarin. Lahat ng bagay ay may hangganan, ang sama ng loob sa isang tao ay mayroong katapusan. Bawat tao ay marunong magpatawad, pero kailangan lang nating hintayin ang tamang panahon na handa na tayong harapin ang taong nakasakit sa atin ng lubusan.

Mahirap masaktan, kaya mahirap din magpatawad ng basta-basta na lang. Dumadaan ang lahat ng ito sa isang proseso na tanging ang Diyos lang ang makakapagsabi. “ Once is enough, twice is too much! Pero kung ang pagmamahal ang nanaig sa iyo, Kahit ilang beses kang saktan, patuloy mo siyang patatawarin at patuloy mo siyang mamahalin. Tanging ang Diyos ang makakapagsabi sa atin kung siya ay dapat ng patayin o hinde pa, huwag mo siyang pangunahan..hehe.

BAKIT BA TAYO UMIIYAK?

Bakit ba tayo umiiyak? Maraming posibleng dahilan ng pag-iyak ng isang tao. Maraming mga bagay ang hinde natin maipaliwanag kung bakit tayo ay patuloy na umiiyak at hinde natin mapigil ang mga pagluha ng ating mga mata. Pero, san ba nanggaling ang ating mga luha? Ito ba ay nagmula sa tubig na ating iniinom? O sadyang ang emosyon ang nagsisilbing imbakan ng ating mga luha.

Ano ba talaga ang mga kahulugan ng bawat luhang lumalabas sa ating mga mata? Sadya bang may kabuluhan ang pagpatak nito?

Ang luha ay mahalaga, maraming taong nagiging tanyag dahil sa kanilang mga luhang inilalabas, dahil ito ay kanilang nagagamit sa kanilang pag-arte. Ito din ang kanilang nagiging puhunan upang sila ay magkaroon ng sapat na pamumuhay na naayon sa kanilang kagustuhan. Ito ang siyang nagpapahiwatig ng maraming simbolo ng ating pagkatao.

Sa totoo lang, masyadong makahulugan ang mga bawat luha na pumapatak sa ating mga mata, sapagkat ang bawat patak ng mga ito ay isang bagay na nagpapatag din sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Ilan sa mga ito ang ibig sabihin ng pagluha. Ito ay isang simbolo ng labis na kagalakan, kalungkutan, o mga kaganapan na bigla na lang nawala. Kadalasan ang isa sa mga dahilan nito ay ang mga kaganapan na tayo ay nawalan ng isang minamahal sa buhay. Mahirap tanggapin ang pangyayaring hinde natin agad malilimutan pero marahil tanging ang panahon na lang ang makapagsasabi kung ikaw ba ay mahihilom sa mga sugat na iyong iniyakan.

Pero, bakit hinde natin mapigil ang luha sa pagtulo nito? Marahil, ang labis na pagpatak ng luha ay may kaugnayan sa ating emosyon. Kung minsan, akala natin tayo ay sadyang naiiyak ng walang dahilan, pero ang hinde natin naiisip na ang emosyon ang pinagmumulan nito kung kaya’t nagkakaroon ng labis na sugat sa ating puso.

Ngunit, ang pinakamasakit sa lahat ng mga dahilan ng pagluha , ay kapag ito ay kinaugnayan na ng pagmamahal. Maraming mga kwento, mga pahayag at mga opinion kapag pagmamahal na ang pinag-uusapan. Maraming misteryo sa pag-ibig, kaakibat nito ang ikaw ay masasaktan, mawalan tiwala at higit sa lahat ang ikaw ay mawalan ng minamahal.

Maraming luha ang nasasayang sa mga Kadahilanan na ito, Mahirap tanggapin na minsan sa buhay natin na tayo ay nagsayang ng mga luha. Ngunit, sa bawat luha na ating inilabas, ang kapalit nito ay kaligayahan sa ating hinaharap.

Ang luha ay napakasgrado, lalo na kung ang taong ito ay isa sa pinaka-espesyal sa buhay mo. Mahirap tanggapin, pero ang luha ang isang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob sa atin upang tayo ay muling bumangon sa ating pagkakadapa at harapin ang bawat sakit na ating natatamasa. Panahon lang talaga ang makapagsasabi kung ikaw ba ay tapos na sa pagluha at mga sakit na iyong mararanasan.

Thursday, July 3, 2008

UTAK ba o PUSO??

Ano ba talaga sa dalawa ang dapat na ginagamit para magmahal??
Ang hirap pag dumating sa iyo ang isang sitwasyon na kung saan ay kailangan mong mamili kong sino ba talaga at ano ba ang dapat na gamitin para ikaw ay magmahal.

Sa tingin mo ano ba talaga dapat???

Friday, June 27, 2008

Mahirap makasakit! Kaya bawal makasakit!!

Ayon sa isang liham sa akin ng isa sa mga sumusuporta sa aking website, ang hirap daw talaga pala ng nakakasakit ka ng kapwa mo, lalo na't naging malaking parte ito ng iyong buhay at naging malaking bahagi na ng puso mo. Hinde ko maipaliwanag kung bakit ganito ang pakiramdam kapag nakasakit ka ng tao.
Kaka- break lang daw nila ng kaniyang girlfriend, halos marami na silang napagsamahan at napagdaanan, pero ang malaking tanong lang na gumugulo sa kanilang isipan ay bakit humantong sa ganun ang kanilang naging relasyon.

Ayon sa isang pari, ang relasyon ay isang misteryong bahagi ng ating buhay, maraming mga bagay na mararanasan kang mga pagsubok hanggang sa makita mo ang makakasama mo sa habambuhay. Ayon sa kaniyang pananaw, nangyayari ang mga bagay na hiwalayan kung ang isang magkasintahan ay hinde nagkaroon ng unawaan sa kanilang sarili at nagkaroon ng mga bagay na maaring naging kulang na kanilang hinahanap.

Ang relasyon ay isang bagay na hinde mo kailangang makita o masiguro na kayo nga talaga ay itinadhana sa isa't-isa. Ito ay isang paraan ng pagkilala sa iyong kapareha kung kayo ba talaga ay nararapat na maging magkabiyak sa hinaharap. Natural sa isang relasyon ang hiwalayan, ang pagkakaroon ng hinde magagandang pagtinginan, at pagkakaroon ng mga hinanakit na kanilang tinatago hanggan sa dumating ang isang araw na patuloy niyo ng mapatawad ang isa't- isa.

Masakit man ang tinatawag na hiwalayan, ang mga katagang Iniwanan, o hinde na Nagmamahalan, pero isa itong paraan ng ating Panginoon na matuto tayo sa tunay na sitwasyon ng ating buhay. Marahil ang hiwalayan o ano mang sakit na ating matatamasa sa ngayon ay isang paraan upang maiparating sa atin ng Diyos na tayo ay kaniyang patuloy na minamahal.

Letting Go


How do you walk away from someone you love
And take the road of friend;
Can you reroute the course you have taken
And start over once again?

I don't really want to let you go
But inside me I know I must;
The times we've loved . . . the times you've left
My heart says stay . . . but it's my mind I must trust.

We have shared so much together
Laughter . . . fun times . . . tears;
Yet sometimes we can't turn back time
We must walk away, and allow ourselves to heal.

I know one day you will be happy
And your soulmate you will find;
I know we each have one out there
Even if for now . . . only in our minds.

May life be gentle with you
May God's best come your way;
And on some quiet tomorrow
You will realize things were better this way.

Wednesday, June 25, 2008

Heto na ang dramarama sa Hapon ng isang Makatang Sunog!

Mayroong nag-email sa akin ng isang kwento na sa tingin kong ikatutuwa ninyo. Itong kwento ay tungkol sa isang magkaibigan na pilit nilang ipnaglalaban ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng sila ay hinde talaga hinahayaan ng pagkakataon dahil sa ang isa sa kanila ay mayroong iba pang minamahal. Ayon sa kaniyang liham,

Dear Makatang Sunog,

Lumiham po ako sa inyo, dahil sa ako po ay nahihirapan na sa aming sitwasyon. Mayroon po akong minamahal, at yun pong minamahal ko ay mayroon na pong iba, pero kami po ay labis na nagiging malapit sa isa't-isa hanggang isang gabi...

Naroon kami sa isang bahay ng tita namin, at habang kami'y nagkukuwentuhan, biglang lumabas ang aking minamahal, tinawag siya ni Chabelita at pinaakyat ang aking crush, habang kami ay nagkakausap, pilit kong itinatago ang aking damdamin, pero dumating kami sa point na kami ay nagkapalitan ng cell number. Noong gabing iyon pinilit kong hinde siya itxt dahil sa ako ay labis na nahihiya kung ako pa ang unang magparamdam sa kaniya. Pero sa sobrang kagustuhan ng aking puso, ako ang naunang nagtxt sa kaniya, hinde ko maintindihan kung anong tuwa ang aking natamasa ng siya ay magreply.

Kina-umagahan, kami nagkita ulit, naging magkaibigan at hinde napigil na maging textmates, hanggang sa dumating ang araw na ako ay labis na nahuhulog sa kaniya. Noong gabing iyon, ipinagtapat ko na sa kaniya na ayaw ko na na katxt niya ako dahil ko nman siya talaga mahal, pero ang hinde niya alam na pilit ko lang talagang itinatago ang aking damdamin dahil sa ang karamihan ay hinde na nila gusto ang aking ikinikilos, dahil sa ang alam nila na mayroon ngang iba siyang minamahal.

Pero Makatang Sunog, hinde ko po talaga napigil ang aking sarili, kahit na alam kong nasasaktan na ako ay sige pa din ako na ipaglaban ang aming pinagsamahan. Naging malapit kami sa isa't-isa, nahulog na din ang loob niya sa akin at kami ay namuhay ng parang walang taong nasasagasaan, pero dumating ang araw na marami ng nakakapansin sa mga ikinikilos namin, kami ay natsismis at lumabas ang lahat ng pangit sa kaniya, doon ko nalaman na patuloy pa din pala silang nagkikita ng kaniyang minamahal. Sobrang sakit ang aking naramdaman, pero dahil sa mahal ko siya, pinilit kong kalimutan ang lahat, inamin niya sa akin ang lahat-lahat, maging sa aking magulang ay kaniyang ipinagtapat ang lahat ng mga kasinungalingan na kaniyang ginawa.

Hanggang isang gabi, nabalitaan ko po na nakipaghiwalay na po pala siya doon sa kaniyang minamahal, ano po ba ang pwede kong gawin? Ano po ba ang mga hakbang na nararapat kong gawin? Labis po akong nahihirapan sa aming sitwasyon, patuloy niya pong sinasabi sa akin na mahal na din daw niya po ako. Pero ano po ba yung nararapat na gawin??


Nagmamahal,

Pepay

- Alam mo Pepay, natural lang ang magmahal,
ngunit ang pagmamahal ay may halong sakit ka na mararanasan.
Pero kung sa tingin mong nakakasagasa ka ng ibang tao,
hayaan mo ang iyong iniirog ang magdesisyon kung ikaw ba talaga ang kaniyang mamahalin,
ikaw lang ay nararapat na maging handa sa anumang desisyon na kaniyang gagawin.
Maniwala ka lang sa kaniya dahil sa tingin ko hinde nman niya gagawin lahay ng mga
bagay na iyon kung hinde ka niya tunay na minamahal.
Tanging ang tunay na pag-ibig lang talaga ang makakapagsabi kung kayo talaga sa isa't-isa.
Manatili ka lang na nanalig sa iyong nararamdaman.

Life is Challenging...

Kala mo English no? Joke lang yung title na yun..

Anyway, ang buhay talaga ay puno ng pagsubok, madaming kakaibang karanasan, mga istoryang hinde mo talaga malilimutan, pero ang maganda dito, sa bawat pagsubok na nararanasan natin dito tayo tumatatag, lumalakas ang loob, natututo at ang pinaka- importante sa lahat ay ang nakilala mo kung sino ka at ano ang iyong pagkatao.


Maraming kukutya, mang-aasar, magiging masama ka sa paningin ng iba, pero ang mahalaga naging tapat ka sa sarili mo at naging matapang ka na harapin ang mga pagsubok na iyong nararanasan.
Mahirap, pero masarap at sobrang saya kapag ikaw ay nakalampas sa isang matinding unos ng iyong buhay, sa isang malaking pagsubok na iyong naranasan.


Pero, sa bawat desisyon na nagawa, sa bawat mga luha na nawala naroon pa rin ang mga kakaibang karanasan na pilit natin na mararanasan ulit. Kaya't maging handa sa bawat pagsubok na iyong mararanasan, huwag nating takbuhan ang lahat ng mga ito, bagkus buong tapang nating harapin ang lahat ng mga ito.
Kaya Sugod mga kapatid!!! Opo ka Andres!!Ahoo! Ahoo! Ahoo!!