Ayon sa isang liham sa akin ng isa sa mga sumusuporta sa aking website, ang hirap daw talaga pala ng nakakasakit ka ng kapwa mo, lalo na't naging malaking parte ito ng iyong buhay at naging malaking bahagi na ng puso mo. Hinde ko maipaliwanag kung bakit ganito ang pakiramdam kapag nakasakit ka ng tao.
Kaka- break lang daw nila ng kaniyang girlfriend, halos marami na silang napagsamahan at napagdaanan, pero ang malaking tanong lang na gumugulo sa kanilang isipan ay bakit humantong sa ganun ang kanilang naging relasyon.
Ayon sa isang pari, ang relasyon ay isang misteryong bahagi ng ating buhay, maraming mga bagay na mararanasan kang mga pagsubok hanggang sa makita mo ang makakasama mo sa habambuhay. Ayon sa kaniyang pananaw, nangyayari ang mga bagay na hiwalayan kung ang isang magkasintahan ay hinde nagkaroon ng unawaan sa kanilang sarili at nagkaroon ng mga bagay na maaring naging kulang na kanilang hinahanap.
Ang relasyon ay isang bagay na hinde mo kailangang makita o masiguro na kayo nga talaga ay itinadhana sa isa't-isa. Ito ay isang paraan ng pagkilala sa iyong kapareha kung kayo ba talaga ay nararapat na maging magkabiyak sa hinaharap. Natural sa isang relasyon ang hiwalayan, ang pagkakaroon ng hinde magagandang pagtinginan, at pagkakaroon ng mga hinanakit na kanilang tinatago hanggan sa dumating ang isang araw na patuloy niyo ng mapatawad ang isa't- isa.
Masakit man ang tinatawag na hiwalayan, ang mga katagang Iniwanan, o hinde na Nagmamahalan, pero isa itong paraan ng ating Panginoon na matuto tayo sa tunay na sitwasyon ng ating buhay. Marahil ang hiwalayan o ano mang sakit na ating matatamasa sa ngayon ay isang paraan upang maiparating sa atin ng Diyos na tayo ay kaniyang patuloy na minamahal.
Pototoys Corner
11 years ago