Famous na Famous ang line na ito, ang pamamangka sa dalawang ilog. Bakit nga ba nangyayari ang pamamangka sa dalawang ilog?? Marahil ilan sa mga ito ang dahilan:
1. Nagsawa na sa kadalasang ginagawa.
2. Nakakita ng mas magandang oportunidad na mas maganda.
3. Nagkaroon na ng di magandang pagsasamahan.
4. Napapadalas na away, na ang pagbubunga ay ang paghahanap ng makakasama na makakapagbigay ng pagmamahal na kaniyang hinahangad.
5. At higit sa lahat hinde na nila mahal ang isa't-isa.
Sakit no? Sa panahon ngayon marami na at nagiging normal na ang pamamangka sa dalawang ilog at ang masama pa nito madalas na nangyayari ito sa mga mayroon ng asawa at mga anak. Ang hinde lang magandang bunga nito ay ang mga iiwanan na pamilya at mga anak.
Mahirap at masakit lalo na sa part nung iiwanan, pero kung ito lang talaga ang paraan para mapabuti ang isa't-isa, ang kailangan lang na gawin ay maging handa sa mga pinili na desisyon at papasukin na mga sitwasyon.
No comments:
Post a Comment