Pagkatapos ng lahat ng nangyari ganun na lang ba yun??
Hirap kasing umasa ng wala ka palang inaasahan, sakit di ba?
Akala ko kasi trip lang yung ginagawa ko pero ako pala yung napagtripan,
kaya eto ako ngayon basang basa sa ulan walang masisilungan,
walang malalapitan..
Mahirap talagang magtiwala sa mga taong magaganda,
tama nga siguro yung kasabihan ni Andrew E. na
"humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay!"
Pero minsan din kasi hinde mo din alam kung ano ba yung nilalaman
ng isip ng kaibigan mo. Ang masakit lang naging sweet siya at
pinaasa ka na mahal ka din pala niya tapos sa bandang huli,
pare-parehas lang din pala sila na mang-iiwan..
Ang tanong ko ngayon,paano nga kaya talaga makakarecover sa sakit na naramdaman mo.
Narito ang ilan sa mga ito:
1. Magalalasing ng sobra-sobra para makalimot sa sakit.
2. Maghahanap ng kakuwentuhan, para mapag-usapan yung sakit na nararamadaman.
3. Maglalakad-lakad, para makapag-isip ng mga posibleng solusyon.
4. Maglalaslas ng pulso, (weird na yun!)
5. Magdedesisyon na tama na talaga.
Siguro, mas ok na gawin yung panglima na paraan,
Ang pagrerecover nman siguro isang desisyon talaga siya na kailangang panindigan
at nararapat na gawin upang matulungan mo ang sarili mo sa mga karanasan na
nararapat na kalimutan.
Mahirap magpadala sa agos ng pag-ibig, dahil tatangayin ka talaga nito,
mabuti na lang kung ikaw ay natangay sa magandang agos, at nadala ka sa maayos na lugar.
Paano kong basta lang na natangay ka,
tapos yung inaakala mong lugar na napuntahan mo ay hinde naman pala nararapat na para sayo
Sakit nun di ba?
Pototoys Corner
11 years ago
No comments:
Post a Comment