Mahirap maging makata kapag iba yung nararamdaman mo lalo na't kakabreak lang ninyo ng mahal mo.
Hinde ganun kadaling kalimutan ang lahat ng mga pinagsamahan, pero minsan sa isang tao kailangan nating matuto sa sakit, upang sa susunod alam na natin kung paano ito solusyonan.
Hinde ko naisip na sobra pala akong makakasakit, hinde lang sa kaniya, pati sa mga taong nasa paligid niya. Maraming naapektuhan sa mga bawat desisyon na aking nagawa, hanggang ngayon, pilit kong iniisip kung bakit sa kabila ng kaniyang kabutihan ay nasuklian ko ito ng kamalian at sakit sa kaniyang kalooban. Mahirap sigurong tanggapin ang ganoong sitwasyon pero marahil isa itong paraan para ang mga bawat isa ay mayroon na matutunan.
Ang pag-ibig ay parang isang BINGO, hinde mo alam kung ang mga numero sa iyong baraha ay lalabas at ikaw ang mananalo. Masyadong nakaka-excite ang mga bagay lalo na kapag ito ay may kinalaman sa pag-ibig, punong -puno ng pagpapasakit, kasiyahan, iyakan at higit sa lahat ang masasaktan. Mahirap tanggapin na minsan na ang isang relasyon ay kailangan ng wakasan upang may matutunan ang bawat isa.
Ika nga sa isang karera, bawat laro o laban ay may katapusan pero ang hinde lang natin alam eh kung pag tapos ba ng isang laro ay uuwi kang luhaan o punong-puno ka ng kasiyahan. Kaya sa anong aspeto ng buhay, nararapat ay maging handa tayong harapin ang sakit na dulot nito o ang kaligayahan na matatamasa mo.
Pototoys Corner
11 years ago
No comments:
Post a Comment