Iba talaga pag pinairal natin ang katotohanan, maraming nasasaktan, maraming natutuwa at ang ilan ay nagiging payapa. Madalas ko talagang naririnig ang mga katagang, " The TRUTH will prevail" o "Lalabas din kung ano yung katotohanan." Pero sa totoo lang, minsan lumabas na nga ang katotohanan pero hinde talaga natin maiwasan ang masaktan, maiyak at manghinayang.
Pero, bakit ba kailangan natin na gawin ang mga bagay na sa huli ikaw din ang maghihirap? Bakit kailangan natin panindigan ang isang bagay na kung sa tingin naman natin na ikapanlulumo at panghihinayangan lang natin. Bakit ganun? Bakit mag dance?? Haha.. Pero sa totoo lang, mahirap gampanan ang isang obligasyon, kung saan may mga bagay kang kailangang iwan.
Halos dalawang linggo lang ang nakalipas, maraming akong kakaibang karanasan na ngayon ko lang naranasan. Ilan sa mga ito ay ang pagpapatunay sa kung ano yung tama at dapat na gawin, manindigan sa katotohanan, at higit sa lahat magpasalamat sa mga taong nagturo at nagpatatag ng iyong pagkatao.
Mahirap ang aking pinagdaanan sa halos dalawang linggo na nakalipas, kung tutuusin katumbas na iyon ng halos kalahating taon. Masaya, malungkot, masakit, at higit sa lahat maraming naapektuhan. Minsan nga naisip ko na para kaming isang banda rito at banda roon na biglang dumadaan sa kung saan-saan at nagbibigay ng ingay sa kapaligiran para mapansin ng mga mararaming tao. Pero malungkot din dahil pagkatapos ng sobrang saya, balik sa normal ang buhay, biglang tatahimik ang paligid at mananatiling bakas sa lugar na iyon ang mga magagandang alaala ng aming mga masasayang araw. Masakit dahil kailangang iwan ang nakagawiang bagay at harapin kung ano yung nararapat at tamang gawin.
Hinde lang siguro kami yung nakaranas ng mga kalungkutan dahil ang ilan sa mga malalapit na tao sa amin na naging parte na ng aming masayang samahan, at super kulitan ay marahil ramdam nila kung anong kalungkutan meron kami ngayon, pero sa kabilang dako di pa rin namin naiwasan ang mga taong mahilig gumawa ng kung anu-anong istorya. Maraming namuong isyu at kung anu-anong paninira ang aming nalaman, pero ang kagandahan lang nanatili lang siguro kami na matatag na harapin kung ano yung mga paninira sa amin.
Sobrang nakakapagod kung iisipin mo ang lahat ng mga iyon, pero para sa akin, isa iyon sa mga hinde ko malilimutan na mga pangyayari. Sa loob lang ng halos dalawang linggo, sobra akong natuwa, sobra akong nasaktan, at higit sa lahat sobra kong nalaman na iba pala talaga ang ugali na meron ang aking pamilya at ugali na dala-dala ko. Sobrang laking hamon sa akin ang lahat ng mga iyon. Bakit?? Dahil maraming bagay akong pinanindigan at pinanghawakan matupad lang ang ninanais ko na mangyari.
Pero, ika nga sa titulo ng blog na ito na "totoo lang talaga", marahil nagpakatotoo lang ako sa sarili ko na nagmahal lang talaga ako, ang hinde lang maganda ay may mga tao akong labis na nasasaktan, makasarili man, pero tao lang din ako na mayroong nararamdaman at marunong din na masaktan. Siguro nga darating din ang tamang panahon na iyon kung kami talaga ang tinakda ng Panginoon na maging magkasama habang buhay. Mahirap at puno ng takot na baka makakita siya ng iba na magmamahal sa kaniya ng higit pa sa kaya kong ibigay. Pero ang masaya dun, kahit sa saglit lang ng panahon ay naipadama ko kung ano yung nararamdaman ko at naipakita ko kung ano talaga ang hangarin ko sa kaniya at sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Pototoys Corner
11 years ago
No comments:
Post a Comment