Maraming mga kasabihan tayong pinaniniwalaan, katulad ng mga huwag pagsuot ng wedding gown bago ikasal, wag kang iihi sa mga puno, dahil bawal naman talaga ang umihi kung saan-saan, Joke lang, dahil baka manuno ka daw, o bawal maghatid kapag ikaw ay namatayan, at marami pang iba.
Marami talaga tayong pinaniniwalaan, ang ilan sa atin ay dito na nagbabase kung dapat nilang gawin ang mga bagay-bagay. Pero pano mo ba masasabi kung kayo na talaga ng iyong minamahal ang magkasama sa habambuhay? Pano mo masisiguro kung tatagal kayo habambuhay? Pano ba talaga??
Isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin, na ang basehan daw nun ay ang pagiging magkamukha ng isang magkasintahan. Ang sabi nila hinde na daw mapaghihiwalay ang isang magkasintahan kapag sila ay magkahawig sa isa't-isa. Hinde ko masabi kung dapat bang paniwalaan ang ganoong ideya, marahil maraming nagsasabi at naniniwala na totoo nga ang ganoong basehan, pero ano ba talaga dapat? Mas tama naman kung nagmamahalan kayo ng iyong kasintahan o piniling makasama.
Sa palagay ko, mas dapat nating paniwalaan ang mga bagay na pinagdedesisyonan kaysa sa mga bagay na ating nakikita lang. Mas maganda at siguradong nagtatagal ang mga bagay na pinagdedesisyonan ng maigi.
Magkamukha nga kayo pero hinde mo naman mahal ang taong sinasabi nilang destined sayo. Siguro ang dalawang magkasintahan na lang talaga ang makakapagsabi kung gugustuhin talaga nila na maging magkasama habambuhay, hinde dahil sa magkamukha, kundi dahil sa sila ay nagdesisyon na mahalin ang isa't- isa kahit na hinde sila magkamukha. Siguro isa lang ang pede kong paniwalaan kung magkamukha ang kanilang mga puso, marahil tama ang paniniwalang " kapag magkamukha ang isang tao, wala ng magpapahiwalay sa kanila!"
Pototoys Corner
11 years ago
No comments:
Post a Comment