Thursday, July 17, 2008

Ones is enough, twice is too much..

Totoo nga ba itong pahayag na ito? Sabi sa bibliya, “kung mayroon sayong nagkasala ng pitong beses, patawarin mo siya ng pitumpu’t pitong beses.” Mukbang mahirap nga namang pagkatiwalaan ang taong gumawa ng kasalanan na sobra-sobrang nagbigay sa iyo ng sugat sa iyong puso at sa iyong pagkatao. Ika nga “once is enough, twice is too much!” Sobra na kung uulitin mo pa ng ikalawang beses. Aba abuso na yun.

Pero, bakit ba nangyayari ang ganitong mga bagay? Bakit niya kailangan pang gawin muli ang pagkakamali na kaniyang nagawa sa una pa lang? Isa sa kadahilanan ay may mga bagay na pilit gumugulo sa kaniyang pag-iisip, o sadyang hinde niya pa natutunan sa unang pagkakamali kaya niya naulit ang bagay na iyon.

Nararapat pa bang patawarin ang mga taong nakasakit sa iyo ng lubusan? Tanging ang panahon na lang ang makakapagsabi kung ikaw ay nararapat pang patawarin. Lahat ng bagay ay may hangganan, ang sama ng loob sa isang tao ay mayroong katapusan. Bawat tao ay marunong magpatawad, pero kailangan lang nating hintayin ang tamang panahon na handa na tayong harapin ang taong nakasakit sa atin ng lubusan.

Mahirap masaktan, kaya mahirap din magpatawad ng basta-basta na lang. Dumadaan ang lahat ng ito sa isang proseso na tanging ang Diyos lang ang makakapagsabi. “ Once is enough, twice is too much! Pero kung ang pagmamahal ang nanaig sa iyo, Kahit ilang beses kang saktan, patuloy mo siyang patatawarin at patuloy mo siyang mamahalin. Tanging ang Diyos ang makakapagsabi sa atin kung siya ay dapat ng patayin o hinde pa, huwag mo siyang pangunahan..hehe.

BAKIT BA TAYO UMIIYAK?

Bakit ba tayo umiiyak? Maraming posibleng dahilan ng pag-iyak ng isang tao. Maraming mga bagay ang hinde natin maipaliwanag kung bakit tayo ay patuloy na umiiyak at hinde natin mapigil ang mga pagluha ng ating mga mata. Pero, san ba nanggaling ang ating mga luha? Ito ba ay nagmula sa tubig na ating iniinom? O sadyang ang emosyon ang nagsisilbing imbakan ng ating mga luha.

Ano ba talaga ang mga kahulugan ng bawat luhang lumalabas sa ating mga mata? Sadya bang may kabuluhan ang pagpatak nito?

Ang luha ay mahalaga, maraming taong nagiging tanyag dahil sa kanilang mga luhang inilalabas, dahil ito ay kanilang nagagamit sa kanilang pag-arte. Ito din ang kanilang nagiging puhunan upang sila ay magkaroon ng sapat na pamumuhay na naayon sa kanilang kagustuhan. Ito ang siyang nagpapahiwatig ng maraming simbolo ng ating pagkatao.

Sa totoo lang, masyadong makahulugan ang mga bawat luha na pumapatak sa ating mga mata, sapagkat ang bawat patak ng mga ito ay isang bagay na nagpapatag din sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Ilan sa mga ito ang ibig sabihin ng pagluha. Ito ay isang simbolo ng labis na kagalakan, kalungkutan, o mga kaganapan na bigla na lang nawala. Kadalasan ang isa sa mga dahilan nito ay ang mga kaganapan na tayo ay nawalan ng isang minamahal sa buhay. Mahirap tanggapin ang pangyayaring hinde natin agad malilimutan pero marahil tanging ang panahon na lang ang makapagsasabi kung ikaw ba ay mahihilom sa mga sugat na iyong iniyakan.

Pero, bakit hinde natin mapigil ang luha sa pagtulo nito? Marahil, ang labis na pagpatak ng luha ay may kaugnayan sa ating emosyon. Kung minsan, akala natin tayo ay sadyang naiiyak ng walang dahilan, pero ang hinde natin naiisip na ang emosyon ang pinagmumulan nito kung kaya’t nagkakaroon ng labis na sugat sa ating puso.

Ngunit, ang pinakamasakit sa lahat ng mga dahilan ng pagluha , ay kapag ito ay kinaugnayan na ng pagmamahal. Maraming mga kwento, mga pahayag at mga opinion kapag pagmamahal na ang pinag-uusapan. Maraming misteryo sa pag-ibig, kaakibat nito ang ikaw ay masasaktan, mawalan tiwala at higit sa lahat ang ikaw ay mawalan ng minamahal.

Maraming luha ang nasasayang sa mga Kadahilanan na ito, Mahirap tanggapin na minsan sa buhay natin na tayo ay nagsayang ng mga luha. Ngunit, sa bawat luha na ating inilabas, ang kapalit nito ay kaligayahan sa ating hinaharap.

Ang luha ay napakasgrado, lalo na kung ang taong ito ay isa sa pinaka-espesyal sa buhay mo. Mahirap tanggapin, pero ang luha ang isang bagay na nagbibigay ng lakas ng loob sa atin upang tayo ay muling bumangon sa ating pagkakadapa at harapin ang bawat sakit na ating natatamasa. Panahon lang talaga ang makapagsasabi kung ikaw ba ay tapos na sa pagluha at mga sakit na iyong mararanasan.

Thursday, July 3, 2008

UTAK ba o PUSO??

Ano ba talaga sa dalawa ang dapat na ginagamit para magmahal??
Ang hirap pag dumating sa iyo ang isang sitwasyon na kung saan ay kailangan mong mamili kong sino ba talaga at ano ba ang dapat na gamitin para ikaw ay magmahal.

Sa tingin mo ano ba talaga dapat???

Friday, June 27, 2008

Mahirap makasakit! Kaya bawal makasakit!!

Ayon sa isang liham sa akin ng isa sa mga sumusuporta sa aking website, ang hirap daw talaga pala ng nakakasakit ka ng kapwa mo, lalo na't naging malaking parte ito ng iyong buhay at naging malaking bahagi na ng puso mo. Hinde ko maipaliwanag kung bakit ganito ang pakiramdam kapag nakasakit ka ng tao.
Kaka- break lang daw nila ng kaniyang girlfriend, halos marami na silang napagsamahan at napagdaanan, pero ang malaking tanong lang na gumugulo sa kanilang isipan ay bakit humantong sa ganun ang kanilang naging relasyon.

Ayon sa isang pari, ang relasyon ay isang misteryong bahagi ng ating buhay, maraming mga bagay na mararanasan kang mga pagsubok hanggang sa makita mo ang makakasama mo sa habambuhay. Ayon sa kaniyang pananaw, nangyayari ang mga bagay na hiwalayan kung ang isang magkasintahan ay hinde nagkaroon ng unawaan sa kanilang sarili at nagkaroon ng mga bagay na maaring naging kulang na kanilang hinahanap.

Ang relasyon ay isang bagay na hinde mo kailangang makita o masiguro na kayo nga talaga ay itinadhana sa isa't-isa. Ito ay isang paraan ng pagkilala sa iyong kapareha kung kayo ba talaga ay nararapat na maging magkabiyak sa hinaharap. Natural sa isang relasyon ang hiwalayan, ang pagkakaroon ng hinde magagandang pagtinginan, at pagkakaroon ng mga hinanakit na kanilang tinatago hanggan sa dumating ang isang araw na patuloy niyo ng mapatawad ang isa't- isa.

Masakit man ang tinatawag na hiwalayan, ang mga katagang Iniwanan, o hinde na Nagmamahalan, pero isa itong paraan ng ating Panginoon na matuto tayo sa tunay na sitwasyon ng ating buhay. Marahil ang hiwalayan o ano mang sakit na ating matatamasa sa ngayon ay isang paraan upang maiparating sa atin ng Diyos na tayo ay kaniyang patuloy na minamahal.

Letting Go


How do you walk away from someone you love
And take the road of friend;
Can you reroute the course you have taken
And start over once again?

I don't really want to let you go
But inside me I know I must;
The times we've loved . . . the times you've left
My heart says stay . . . but it's my mind I must trust.

We have shared so much together
Laughter . . . fun times . . . tears;
Yet sometimes we can't turn back time
We must walk away, and allow ourselves to heal.

I know one day you will be happy
And your soulmate you will find;
I know we each have one out there
Even if for now . . . only in our minds.

May life be gentle with you
May God's best come your way;
And on some quiet tomorrow
You will realize things were better this way.

Wednesday, June 25, 2008

Heto na ang dramarama sa Hapon ng isang Makatang Sunog!

Mayroong nag-email sa akin ng isang kwento na sa tingin kong ikatutuwa ninyo. Itong kwento ay tungkol sa isang magkaibigan na pilit nilang ipnaglalaban ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng sila ay hinde talaga hinahayaan ng pagkakataon dahil sa ang isa sa kanila ay mayroong iba pang minamahal. Ayon sa kaniyang liham,

Dear Makatang Sunog,

Lumiham po ako sa inyo, dahil sa ako po ay nahihirapan na sa aming sitwasyon. Mayroon po akong minamahal, at yun pong minamahal ko ay mayroon na pong iba, pero kami po ay labis na nagiging malapit sa isa't-isa hanggang isang gabi...

Naroon kami sa isang bahay ng tita namin, at habang kami'y nagkukuwentuhan, biglang lumabas ang aking minamahal, tinawag siya ni Chabelita at pinaakyat ang aking crush, habang kami ay nagkakausap, pilit kong itinatago ang aking damdamin, pero dumating kami sa point na kami ay nagkapalitan ng cell number. Noong gabing iyon pinilit kong hinde siya itxt dahil sa ako ay labis na nahihiya kung ako pa ang unang magparamdam sa kaniya. Pero sa sobrang kagustuhan ng aking puso, ako ang naunang nagtxt sa kaniya, hinde ko maintindihan kung anong tuwa ang aking natamasa ng siya ay magreply.

Kina-umagahan, kami nagkita ulit, naging magkaibigan at hinde napigil na maging textmates, hanggang sa dumating ang araw na ako ay labis na nahuhulog sa kaniya. Noong gabing iyon, ipinagtapat ko na sa kaniya na ayaw ko na na katxt niya ako dahil ko nman siya talaga mahal, pero ang hinde niya alam na pilit ko lang talagang itinatago ang aking damdamin dahil sa ang karamihan ay hinde na nila gusto ang aking ikinikilos, dahil sa ang alam nila na mayroon ngang iba siyang minamahal.

Pero Makatang Sunog, hinde ko po talaga napigil ang aking sarili, kahit na alam kong nasasaktan na ako ay sige pa din ako na ipaglaban ang aming pinagsamahan. Naging malapit kami sa isa't-isa, nahulog na din ang loob niya sa akin at kami ay namuhay ng parang walang taong nasasagasaan, pero dumating ang araw na marami ng nakakapansin sa mga ikinikilos namin, kami ay natsismis at lumabas ang lahat ng pangit sa kaniya, doon ko nalaman na patuloy pa din pala silang nagkikita ng kaniyang minamahal. Sobrang sakit ang aking naramdaman, pero dahil sa mahal ko siya, pinilit kong kalimutan ang lahat, inamin niya sa akin ang lahat-lahat, maging sa aking magulang ay kaniyang ipinagtapat ang lahat ng mga kasinungalingan na kaniyang ginawa.

Hanggang isang gabi, nabalitaan ko po na nakipaghiwalay na po pala siya doon sa kaniyang minamahal, ano po ba ang pwede kong gawin? Ano po ba ang mga hakbang na nararapat kong gawin? Labis po akong nahihirapan sa aming sitwasyon, patuloy niya pong sinasabi sa akin na mahal na din daw niya po ako. Pero ano po ba yung nararapat na gawin??


Nagmamahal,

Pepay

- Alam mo Pepay, natural lang ang magmahal,
ngunit ang pagmamahal ay may halong sakit ka na mararanasan.
Pero kung sa tingin mong nakakasagasa ka ng ibang tao,
hayaan mo ang iyong iniirog ang magdesisyon kung ikaw ba talaga ang kaniyang mamahalin,
ikaw lang ay nararapat na maging handa sa anumang desisyon na kaniyang gagawin.
Maniwala ka lang sa kaniya dahil sa tingin ko hinde nman niya gagawin lahay ng mga
bagay na iyon kung hinde ka niya tunay na minamahal.
Tanging ang tunay na pag-ibig lang talaga ang makakapagsabi kung kayo talaga sa isa't-isa.
Manatili ka lang na nanalig sa iyong nararamdaman.

Life is Challenging...

Kala mo English no? Joke lang yung title na yun..

Anyway, ang buhay talaga ay puno ng pagsubok, madaming kakaibang karanasan, mga istoryang hinde mo talaga malilimutan, pero ang maganda dito, sa bawat pagsubok na nararanasan natin dito tayo tumatatag, lumalakas ang loob, natututo at ang pinaka- importante sa lahat ay ang nakilala mo kung sino ka at ano ang iyong pagkatao.


Maraming kukutya, mang-aasar, magiging masama ka sa paningin ng iba, pero ang mahalaga naging tapat ka sa sarili mo at naging matapang ka na harapin ang mga pagsubok na iyong nararanasan.
Mahirap, pero masarap at sobrang saya kapag ikaw ay nakalampas sa isang matinding unos ng iyong buhay, sa isang malaking pagsubok na iyong naranasan.


Pero, sa bawat desisyon na nagawa, sa bawat mga luha na nawala naroon pa rin ang mga kakaibang karanasan na pilit natin na mararanasan ulit. Kaya't maging handa sa bawat pagsubok na iyong mararanasan, huwag nating takbuhan ang lahat ng mga ito, bagkus buong tapang nating harapin ang lahat ng mga ito.
Kaya Sugod mga kapatid!!! Opo ka Andres!!Ahoo! Ahoo! Ahoo!!

Tuesday, June 24, 2008

Pag-ibig nga naman oh!

Mahirap maging makata kapag iba yung nararamdaman mo lalo na't kakabreak lang ninyo ng mahal mo.
Hinde ganun kadaling kalimutan ang lahat ng mga pinagsamahan, pero minsan sa isang tao kailangan nating matuto sa sakit, upang sa susunod alam na natin kung paano ito solusyonan.

Hinde ko naisip na sobra pala akong makakasakit, hinde lang sa kaniya, pati sa mga taong nasa paligid niya. Maraming naapektuhan sa mga bawat desisyon na aking nagawa, hanggang ngayon, pilit kong iniisip kung bakit sa kabila ng kaniyang kabutihan ay nasuklian ko ito ng kamalian at sakit sa kaniyang kalooban. Mahirap sigurong tanggapin ang ganoong sitwasyon pero marahil isa itong paraan para ang mga bawat isa ay mayroon na matutunan.

Ang pag-ibig ay parang isang BINGO, hinde mo alam kung ang mga numero sa iyong baraha ay lalabas at ikaw ang mananalo. Masyadong nakaka-excite ang mga bagay lalo na kapag ito ay may kinalaman sa pag-ibig, punong -puno ng pagpapasakit, kasiyahan, iyakan at higit sa lahat ang masasaktan. Mahirap tanggapin na minsan na ang isang relasyon ay kailangan ng wakasan upang may matutunan ang bawat isa.

Ika nga sa isang karera, bawat laro o laban ay may katapusan pero ang hinde lang natin alam eh kung pag tapos ba ng isang laro ay uuwi kang luhaan o punong-puno ka ng kasiyahan. Kaya sa anong aspeto ng buhay, nararapat ay maging handa tayong harapin ang sakit na dulot nito o ang kaligayahan na matatamasa mo.

Monday, June 23, 2008

Kapag kamukha ba talaga?

Maraming mga kasabihan tayong pinaniniwalaan, katulad ng mga huwag pagsuot ng wedding gown bago ikasal, wag kang iihi sa mga puno, dahil bawal naman talaga ang umihi kung saan-saan, Joke lang, dahil baka manuno ka daw, o bawal maghatid kapag ikaw ay namatayan, at marami pang iba.

Marami talaga tayong pinaniniwalaan, ang ilan sa atin ay dito na nagbabase kung dapat nilang gawin ang mga bagay-bagay. Pero pano mo ba masasabi kung kayo na talaga ng iyong minamahal ang magkasama sa habambuhay? Pano mo masisiguro kung tatagal kayo habambuhay? Pano ba talaga??

Isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin, na ang basehan daw nun ay ang pagiging magkamukha ng isang magkasintahan. Ang sabi nila hinde na daw mapaghihiwalay ang isang magkasintahan kapag sila ay magkahawig sa isa't-isa. Hinde ko masabi kung dapat bang paniwalaan ang ganoong ideya, marahil maraming nagsasabi at naniniwala na totoo nga ang ganoong basehan, pero ano ba talaga dapat? Mas tama naman kung nagmamahalan kayo ng iyong kasintahan o piniling makasama.

Sa palagay ko, mas dapat nating paniwalaan ang mga bagay na pinagdedesisyonan kaysa sa mga bagay na ating nakikita lang. Mas maganda at siguradong nagtatagal ang mga bagay na pinagdedesisyonan ng maigi.

Magkamukha nga kayo pero hinde mo naman mahal ang taong sinasabi nilang destined sayo. Siguro ang dalawang magkasintahan na lang talaga ang makakapagsabi kung gugustuhin talaga nila na maging magkasama habambuhay, hinde dahil sa magkamukha, kundi dahil sa sila ay nagdesisyon na mahalin ang isa't- isa kahit na hinde sila magkamukha. Siguro isa lang ang pede kong paniwalaan kung magkamukha ang kanilang mga puso, marahil tama ang paniniwalang " kapag magkamukha ang isang tao, wala ng magpapahiwalay sa kanila!"

Friday, June 20, 2008

Totoo lang talaga...

Iba talaga pag pinairal natin ang katotohanan, maraming nasasaktan, maraming natutuwa at ang ilan ay nagiging payapa. Madalas ko talagang naririnig ang mga katagang, " The TRUTH will prevail" o "Lalabas din kung ano yung katotohanan." Pero sa totoo lang, minsan lumabas na nga ang katotohanan pero hinde talaga natin maiwasan ang masaktan, maiyak at manghinayang.

Pero, bakit ba kailangan natin na gawin ang mga bagay na sa huli ikaw din ang maghihirap? Bakit kailangan natin panindigan ang isang bagay na kung sa tingin naman natin na ikapanlulumo at panghihinayangan lang natin. Bakit ganun? Bakit mag dance?? Haha.. Pero sa totoo lang, mahirap gampanan ang isang obligasyon, kung saan may mga bagay kang kailangang iwan.

Halos dalawang linggo lang ang nakalipas, maraming akong kakaibang karanasan na ngayon ko lang naranasan. Ilan sa mga ito ay ang pagpapatunay sa kung ano yung tama at dapat na gawin, manindigan sa katotohanan, at higit sa lahat magpasalamat sa mga taong nagturo at nagpatatag ng iyong pagkatao.

Mahirap ang aking pinagdaanan sa halos dalawang linggo na nakalipas, kung tutuusin katumbas na iyon ng halos kalahating taon. Masaya, malungkot, masakit, at higit sa lahat maraming naapektuhan. Minsan nga naisip ko na para kaming isang banda rito at banda roon na biglang dumadaan sa kung saan-saan at nagbibigay ng ingay sa kapaligiran para mapansin ng mga mararaming tao. Pero malungkot din dahil pagkatapos ng sobrang saya, balik sa normal ang buhay, biglang tatahimik ang paligid at mananatiling bakas sa lugar na iyon ang mga magagandang alaala ng aming mga masasayang araw. Masakit dahil kailangang iwan ang nakagawiang bagay at harapin kung ano yung nararapat at tamang gawin.

Hinde lang siguro kami yung nakaranas ng mga kalungkutan dahil ang ilan sa mga malalapit na tao sa amin na naging parte na ng aming masayang samahan, at super kulitan ay marahil ramdam nila kung anong kalungkutan meron kami ngayon, pero sa kabilang dako di pa rin namin naiwasan ang mga taong mahilig gumawa ng kung anu-anong istorya. Maraming namuong isyu at kung anu-anong paninira ang aming nalaman, pero ang kagandahan lang nanatili lang siguro kami na matatag na harapin kung ano yung mga paninira sa amin.

Sobrang nakakapagod kung iisipin mo ang lahat ng mga iyon, pero para sa akin, isa iyon sa mga hinde ko malilimutan na mga pangyayari. Sa loob lang ng halos dalawang linggo, sobra akong natuwa, sobra akong nasaktan, at higit sa lahat sobra kong nalaman na iba pala talaga ang ugali na meron ang aking pamilya at ugali na dala-dala ko. Sobrang laking hamon sa akin ang lahat ng mga iyon. Bakit?? Dahil maraming bagay akong pinanindigan at pinanghawakan matupad lang ang ninanais ko na mangyari.

Pero, ika nga sa titulo ng blog na ito na "totoo lang talaga", marahil nagpakatotoo lang ako sa sarili ko na nagmahal lang talaga ako, ang hinde lang maganda ay may mga tao akong labis na nasasaktan, makasarili man, pero tao lang din ako na mayroong nararamdaman at marunong din na masaktan. Siguro nga darating din ang tamang panahon na iyon kung kami talaga ang tinakda ng Panginoon na maging magkasama habang buhay. Mahirap at puno ng takot na baka makakita siya ng iba na magmamahal sa kaniya ng higit pa sa kaya kong ibigay. Pero ang masaya dun, kahit sa saglit lang ng panahon ay naipadama ko kung ano yung nararamdaman ko at naipakita ko kung ano talaga ang hangarin ko sa kaniya at sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Wednesday, June 18, 2008

Pamamangka sa Dalawang Ilog

Famous na Famous ang line na ito, ang pamamangka sa dalawang ilog. Bakit nga ba nangyayari ang pamamangka sa dalawang ilog?? Marahil ilan sa mga ito ang dahilan:

1. Nagsawa na sa kadalasang ginagawa.

2. Nakakita ng mas magandang oportunidad na mas maganda.

3. Nagkaroon na ng di magandang pagsasamahan.

4. Napapadalas na away, na ang pagbubunga ay ang paghahanap ng makakasama na makakapagbigay ng pagmamahal na kaniyang hinahangad.

5. At higit sa lahat hinde na nila mahal ang isa't-isa.

Sakit no? Sa panahon ngayon marami na at nagiging normal na ang pamamangka sa dalawang ilog at ang masama pa nito madalas na nangyayari ito sa mga mayroon ng asawa at mga anak. Ang hinde lang magandang bunga nito ay ang mga iiwanan na pamilya at mga anak.

Mahirap at masakit lalo na sa part nung iiwanan, pero kung ito lang talaga ang paraan para mapabuti ang isa't-isa, ang kailangan lang na gawin ay maging handa sa mga pinili na desisyon at papasukin na mga sitwasyon.

Monday, June 16, 2008

My Composition: Simula lang

Ang hirap simulan ng isang kanta
Kapag naiisip kita.
Ang hirap lagyan ng musika
Kapag nasasaktan ka

Ilang araw kong inisip to
Ang makabuo ng magandang tono
Ilang beses kong pinilit na tapusin to
Pero ikaw pa din ang nasa isip ko.

Chorus:
Akala ko trip ko lang
Ang maghanap ng ibang mundo
Pinilit kong ibahin ang tono
Ng musika sa puso ko

Habang lumalayo ako sa gitara ko
Ay siyang paglapit mo sa puso ko
Araw gabi ikaw ang nasa isip ko
Maging sa friendster ko ikaw ang tinitingnan ko


Ending:

Kelan kaya ito matatapos
Para maihandog sa minamahal ko..

Friday, June 13, 2008

Hawak Kamay!

Ang Sarap palang mahawakan ang kamay ng taong pinakakamahal mo, walang dadaig dun kahit na kamay pa ng artista yun, iba pa din talaga ang kamay ng tao kapag mayroong pagmamahal na kasama. Kagabi ko naranasan ang kakaibang pakiramadam na noong gabi lang na yon ko naramdaman, super saya at super bongga ang pakiramdam. Parang katulad ng picture na yun, mararamdaman mo na merong namamagitan na pagmamahal sa kanilang dalawa.


Huwag lang ang ganito.. Eewww... Opinion ko lang to..

Pare! Dun tayo sa kabila..
Wag na dun Pare dun na lang tayo oh...




Pagakatapos ng lhat...

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ganun na lang ba yun??
Hirap kasing umasa ng wala ka palang inaasahan, sakit di ba?
Akala ko kasi trip lang yung ginagawa ko pero ako pala yung napagtripan,
kaya eto ako ngayon basang basa sa ulan walang masisilungan,
walang malalapitan..

Mahirap talagang magtiwala sa mga taong magaganda,
tama nga siguro yung kasabihan ni Andrew E. na
"humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay!"
Pero minsan din kasi hinde mo din alam kung ano ba yung nilalaman
ng isip ng kaibigan mo. Ang masakit lang naging sweet siya at
pinaasa ka na mahal ka din pala niya tapos sa bandang huli,
pare-parehas lang din pala sila na mang-iiwan..
Ang tanong ko ngayon,paano nga kaya talaga makakarecover sa sakit na naramdaman mo.
Narito ang ilan sa mga ito:

1. Magalalasing ng sobra-sobra para makalimot sa sakit.
2. Maghahanap ng kakuwentuhan, para mapag-usapan yung sakit na nararamadaman.
3. Maglalakad-lakad, para makapag-isip ng mga posibleng solusyon.
4. Maglalaslas ng pulso, (weird na yun!)
5. Magdedesisyon na tama na talaga.

Siguro, mas ok na gawin yung panglima na paraan,
Ang pagrerecover nman siguro isang desisyon talaga siya na kailangang panindigan
at nararapat na gawin upang matulungan mo ang sarili mo sa mga karanasan na
nararapat na kalimutan.

Mahirap magpadala sa agos ng pag-ibig, dahil tatangayin ka talaga nito,
mabuti na lang kung ikaw ay natangay sa magandang agos, at nadala ka sa maayos na lugar.
Paano kong basta lang na natangay ka,
tapos yung inaakala mong lugar na napuntahan mo ay hinde naman pala nararapat na para sayo
Sakit nun di ba?

First blog ko to! Malungkot pa..

Unang blog ko to, hinde ko nga alam kung bakit ako gumawa ulit ng blog site kasi parang ang hirap sarilinin kung ano yung nasa loob ko ngayon. Para kasing katulad ng mga sad quotes yung nararamdaman ko ngayon, weird pero i think ganun talaga.. Malalaman mo kung anu yung sinasabi ko, basahin mo yung mga quotes na nasa baba.

- masaya ako dhil sa wakas nakikita kong mahal mko.
masaya ako dhil ngaun alam ko n kung cno ako sa buhay mo..
ang masakit lang ng magsama tau at cnabi kong
"salamat minahal mo ako", sumagot ka lng ng:
"pucha, dinibdib mo?"


- May bumatok sa akin sabi, "Matauhan ka nga!
Hindi ka niya mahal! Hindi ka niya mamahalin!"
Nasabi ko na lang sa kanya, "Hindi na ako umaasa.
Mahal ko lang talaga sha."
di ba pwedeng,
mahal mo ko, mahal kita
tapos bhala na cla?

- Tanga daw ako kapag pinakawalan pa kita.
Gago ako kapag sinaktan kita.
Baliw daw ako kapag pinagpalit kita.
E sira-ulo pala sila! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba?

- Nanaginip ako kagabi, naluha nga ako kasi sabi sa panaginip ko
di mo raw ako mahal.
Tapos nagising ako at natawa.
Naalala ko kahit nga pala sa totoong buhay,
di mo pa rin naman pala ako mahal.

at higit sa lahat eto yung quote na nakakarelate ako sa ngayon...

- hope someday you will find the one you're looking for,
the one who will treat you right & love you more..
someday you will see the love you are destined to be,
& whenever that time comes..
sana "ako yun"

Hirap no? Hirap talagang magmahal kung hinde ka pala mahal ng taong gusto mong mahalin.
Sad pero it's a good way to realize and learned that in our life hinde laging panalo ang karera ng isang tao.
Siguro minsan talaga kailngan natin na madapa para matuto na muling bumangon.
Haist!!!

" Letting go is the hardest thing to do, but sometimes it works.."

Famous line na yun pero, i think effective talaga ang line na yun sa mga taong kailangan ng mag move-on..